Sunday, December 09, 2007

Message to David On His Confirmation

Minamahal kong David,
Binabati kita sa pagtatapos mo ng iyong Spiritual Retreat ngayong araw na ito, March 24, 2007! Ngayon ang simula ng iyong tunay na paglaki hindi lamang sa pangangatawan pero lalo na sa iyong buhay na pang-spirituwal.

Nakita ko ang bilis ng iyong paglaki at pagkamulat sa mga bagay-bagay sa ating kapaligiran at ang pagyabong ng iyong mga katangian na nanggaling sa ating Maykapal. Ikaw ay pinagpala ng Diyos ng sari-saring kakayahan, karunungan at kahasaan.Sa bawa't biyaya na ibinibigay sa atin ng Diyos, dapat mong malaman na malaki ang kanyang pag-asa na ikaw ay magiging tunay na "responsible at accountable" sa mga biyayang ito.

Gabi-gabi bago ako matulog ay nagdadasal ako kasabay ni Sr. Angelica at isa ka sa walong (8) apo ko na palaging kasali sa dasal ko. Hinihiling ko sa Diyos na maunawaan mo ang lahat ng mga bagay-bagay tungkol sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa iyo. "To whom much is given, much is also expected in return."

Sana matuto kang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang ipinagkakaloob sa iyo, kahit na sa mga karanasan mo na sa palagay mo ay hindi mo gusto. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan kaya palagi kang magpasalamat at magdasal ng papuri sa Diyos. Kasama ka sa araw araw na pagdadasal ko sa Diyos.

Ang nagmamahal sa iyo,
Lola Nitz

Dear David,

I greet you today, the end of your two-day Spiritual Retreat! Today marks the beginning of your growth, not only physically, but most importantly your spiritual growth.

I have seen and watched you grow and become aware of the many things in and around you. I have noted your growth in your abilities, capabilities and potentials. God has blessed you with so many talents, skills and wisdom. Always remember that with every gift that God has blessed you with, there is a corresponding expectation and hope that you will be responsible and accountable for all these blessings.

Every night before I sleep, I pray together with Sr. Angelica and you are one among my eight (8) grandchildren whom I pray for. I pray to God that you will understand that "to whom much is given, much is also expected in return."

May you give thanks to the Lord for everything and anything that comes your way, even for the not-so-good and painful experiences. All that happen to us have a reason, so praise and thank the Lord all the time. I'll keep you always in my prayers.

Lovingly,
Lola Nitz

1 comment:

Anonymous said...

Good for people to know.